Branding Image

UNANG LIBRENG PAGSASALIN SA TELEPONO UPANG TULUNGAN ANG MGA TAONG HINDI GAANONG NAKAPAGSASALITA NG INGLES NA BUMILI NG MGA SERBISYO

Ang Language Line Services at AT&T ay Nagsama Upang Konektahin ang Populasyon Mula sa Iba’t-ibang Kultura sa mga Negosyo sa Bansa

SAN FRANCISCO — (ika-18 ng Oktubre 2006) — Ipinakilala ngayong araw ng Language Line Services, ang nangunguna sa munda sa pagsasalin sa ibang wika sa telepono, gamit ang lakas ng bagong AT&T Inc. (NYSE:T), ang Iyong Mundo. Iyong wika.SM, ang unang libreng serbisyo sa telepono na nagkokonekta sa mga consumer na hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles na makipag-usap sa kanilang mga sariling wika sa bangko, insurance, telepono, Internet, utility at iba pang mga tagapagbigay ng mahahalagang serbisyo sa loob ng kanilang lokal na Metropolitan Statistical Areas (MSA). Sa pamamagitan ng pag-dial lamang sa 1-888-855-0811, ang mga taong hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles, kabilang ang mga turista at mga imigrante sa Estados Unidos, ay maaaring makipag-usap sa kanilang mga sariling wika sa iba’t-ibang mga pangunahing negosyo, kahit kailan at nang walang singil.

Ang Iyong Mundo. Iyong Wika.SM ay nagsisilbi sa mga customer sa walong wika at makukuha sa San Francisco simula sa ika-18 ng Oktubre 2006 at sa mga paligid na lugar sa susunod na anim na linggo. Ang serbisyo ay sisimula sa mga karagdagang rehiyon ng bansa sa darating na labing dalawang buwan.

“Halimbawa ay isa kang may-ari ng maliit na negosyo sa San Francisco, at nais mong umutang upang mag-invest sa iyong negosyo. At mas gusto mong isagawa ang transaksyon sa iyong sariling wika upang masigurado na ok ang lahat,” sabi ni Louis Provenzano, ang bagong itinakdang Presidente at Chief Operating Officer ng Language Line Services. “Hanggang ngayon, ang iyong mga opsyon ay limitadong limitado. Ngunit ngayon, may bagong panahon ng komunikasyon na nagbukas, salamat sa Iyong Mundo. Iyong Wika.SM

Kapag tumawag sa 1-888-855-0811 ang mga customer na hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles, pipiliin muna nila ang kanilang mas gustong wika at serbisyo. Pagkatapos ay ikokonekta ng isang Language Line Services interpreter ang customer sa hiniling na provider, at ang serbisyo ay kinukumpleto sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng tatlong tao. Ang Language Line Services interpreter ay nananatili sa linya hanggang natapos ang tawag, at isinasalin nito ang buong pakikipag-usap sa ibang wika para sa consumer.

“Mas maraming tao ngayon kaysa sa dati sa Estados Unidos ang nagsasalita ng wika maliban sa Ingles at hindi kataka-katang mas komportable at mas sigurado sila kapag sila’y nakikipagnegosyo sa kanilang mas gustong wika,” sabi ni Provenzano. “Malalaman ng mga residente sa San Francisco na hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles na ang Iyong Mundo. Iyong Wika.SM ay isang bagong paraan upang magawa nang mabilis at madali ang mga bagay, maging ito ay upang kumuha ng cable television, magbukas ng account sa bangko, o kumuha ng isang bagong cell phone.”

Ayon sa U.S. Citizenship and Immigration Services, ang dami ng legal permanent resident sa U.S. sa 2005 ay umabot ng higit sa isang milyon. Binanggit ni Provenzano na ang karamihan ay pumasok sa mga komunidad na may iba’t-ibang wika na may mga mahuhusay na negosyo kung saan kailangan lamang nila ng kaunting Ingles upang makapaghanapbuhay. Dahil dito, maraming mga taong hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles ang nahihirapang makipagnegosyo sa labas ng kanilang mga tinitirahan, at nahihirapan silang makakuha ng mga mahalagang serbisyo.

Ang Language Line Services ang nagdibelop ng patent-pending technology na nagpapahintulot na gumana ang Iyong Mundo. Iyong Wika.SM, at mamamahagi ng mga interpreter na binigyan ng espesyal na training at na may karanasan. Ang AT&T ang magpapatakbo ng network at ang maglilipat sa mga tawag.

“Ang 1-888-855-0811 ay nagbibigay sa mga consumer ng isang direct hotline sa mga serbisyo na kanilang kailangan, sa mga wika na kanilang gusto,” sabi ni Jody Garcia, Bise-Presidente ng Specialty Customer Care para sa AT&T West.

Pinili ng Language Line Services, gamit ang lakas ng bagong AT&T, na simulan ang bagong libreng serbisyo sa San Francisco dahil ito ay isa sa mga lunsod sa bansa na may pinakamaraming iba’t-ibang kultura, kung saan binubuo ng mga mamamayang ipinanganak sa Asya ang higit sa kalahati ng populasyon na galing sa ibang bansa. Ang serbisyo ay aalukin sa Cantonese (Intsik), Ingles, Hapon, Koreano, Mandarin (Intsik), Russo, Espanyol, Tagalog at Vietnamese.

Ang pagsimula sa San Francisco ay susundan ng pagsimula sa buong bansa ng Iyong Mundo. Iyong Wika.SM sa darating na 12 buwan sa mga komunidad ng bansa na may pinakamaraming iba’t-ibang kultura.

Ang mga malalaking miyembro ng WorldPartnerSM sa bansa at sa San Francisco ay sumali upang alukin ang kanilang mga serbisyo sa pamamagitan ng Iyong Mundo. Iyong Wika.SM, kabilang ang 1-800-DENTIST, AT&T, Cingular Wireless, City of San Francisco, at Dish Network.

Para sa isang kompletong listahan ng mga miyembro ng WorldPartnerSM o para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Iyong Mundo. Iyong Wika.SM bisitahin ang www.YourWorldYourLanguage.com

Tungkol sa AT&T

Ang AT&T Inc. ay isa sa mga pinakamalaking telecommunications holding companies sa mundo at ang pinakamalaki sa Estados Unidos. Ito’y pinapalakad sa mundo sa ilalim ng tatak ng AT&T, ang mga kompanya ng AT&T ay kinikilala bilang pangunahing tagapagbigay sa mundo ng IP-based communications na mga serbisyo sa negosyo at bilang mga pangunahing tagapagbigay sa US ng high speed DSL Internet, local at long distance voice, at directory publishing at advertising services. Ang AT&T Inc. ay may 60 percent ownership interest sa Cingular Wireless, na siyang No. 1 U.S. wireless services provider na may 57.3 million wireless customers. May karagdagang impormasyon tungkol sa AT&T Inc. at mga produkto at serbisyo ng AT&T sa www.att.com

Tungkol sa Language Line Services

Ang Language Line Services, ang pangunahing tagapagbigay sa mundo ng mga serbisyo sa wika, ay kinikilala bilang isang mapapagkatiwalaang partner sa libu-libong mga organisasyon sa US na nagbibigay-diin sa kanilang marketing sa komunidad na hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles, na lumalaki at yumayaman nang mabilis. Ang kompanya ay nagbibigay ng access sa pinakamabilis na serbisyo sa industriya ng pagsasalin sa telepono sa rates na talagang maikukumpara sa iba. Sinisilbihan nito ang mga pangangailangan sa wika sa lahat ng mga pangunahing sektor, kabilang ang gobyerno, pangangalaga sa kalusugan, telecom, mga pinansiyal na serbisyo at insurance, sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila sa mga customer, mga pasyente at sales prospects sa higit sa 170 wika. Ang paglaki ng industriya ay lumaki dahil dumami ang imigrasyon at dahil sa pagtupad ng mga patakaran ng mga gobyerno at regulasyon na nag-uutos sa mga organisasyon na magbigay ng mga serbisyo sa mga taong hindi gaanong nakapagsasalita ng Ingles sa kanilang mga sariling wika. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Language Line Services na mga serbisyo sa video at sa telepono, pagsasalin ng dokumento sa ibang wika, at testing at training sa dalawang wika, mangyaring tumawag sa (800) 752-6096 o bisitahin ang www.languageline.com .